Presyo ng baboy, posibleng tumaas pagkatapos ng long holiday – Propork

by Radyo La Verdad | March 28, 2023 (Tuesday) | 3819

METRO MANILA – Umabot na sa P220 ang presyo ng kada kilo ng buhay na baboy ngayon mula sa dating P180 ayon sa Pork Producers Federation of the Philippine (PROPORK).

Pero dahil sa patuloy na pagkabawas ng populasyon ng baboy dahil sa African Swine Fever (ASF) ay kalahati na anila ang nababawas sa mga inahin mula noong 2019 na nagkaroon ng outbreak ng sakit.

Ayon sa Propork, posible umanong nangalahati na lamang ang bilang ng mga inahing baboy ngayon o nasa 600,000.

Base sa datos ng Bureau of Animal Industry (BAI), nitong March 9 ay kumalat na sa 16 na rehiyon ang SF at 9 pa dito ang may aktibong.

Sa mga palenge sa metro manila, lagpas na sa 400 ang presyo ng kada kilo ng karne ng baboy.

Base sa datos na mula sa National Livestock Program (NLP), simula sa Abril ay kukulangin na ng 11 araw ang supply ng pork sa bansa.

Pero pagdating ng Hunyo ay aabot na sa 39 na araw ang kakulangan.

Paglilinaw naman ni Agriculture Deputy Spokesperson Asec Rex Estoperez, pagtataya lamang ang datos na inilabas ng NLP. Isasapinal pa nila aniya ito sa katapusan ng Marso.

Kailangan din aniyang makipagtulungan ang publiko at mga lokal na pamahalaan para masugpo ang ASF.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: , ,