Idinepensa ni Taiwan President Ma Ying-Jeou ang ginawang pagbisita sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea kahapon.
Ayon sa presidential offfice ang pagtungo ni Ma sa Itu Aba o Ligao Island ay para dalawin ang Taiwanese Personnel sa isla bago ang Lunar New Year.
Nabatid na binatikos din ng Pilipinas at Vietnam ang pagdalaw ng Taiwan President sa pinag-aagawang teritoryo.
Nanawagan naman si Ma sa iba pang bansang umaangkin sa isla na isantabi ito at sa halip magkaroon na lamang ng joint exploration.
Tags: isang isla, Presidente, Taiwan, West Philippine Sea