President-elect Duterte, makakapanayam pa rin ng media – incoming PCOO Andanar

by Radyo La Verdad | June 21, 2016 (Tuesday) | 7456

ROSALIE_ANDANAR
Ipinahayag ni incoming Presidential Communications Secretary Martin Andanar na wala namang sinasabi si President Rodrigo Duterte na hindi niya haharapin ang mga tauhan ng media sa loob ng anim na taon niyang termino.

Dagdag pa ni Andanar, ang katunayan nito, matapos na magbigay ng statement sa Davao si President Duterte na hindi na ito magsasagawa ng press conferences, nakapanayam pa rin ito ng ibang media organizations sa Cebu.

Samantala, wala pang impormasyon si Andanar kung saan manunuluyan si President Duterte pagkatapos nitong manumpa bilang bagong halal na pangulo sa Hunyo a-trenta.

Limang daang panauhin lang din ang inaasahang dumalo sa inauguration ni President Duterte sa Rizal Ceremonial Hall sa Malacañang kabilang na ang kaniyang mga gabinete, mga mambabatas, piling mga kaibigan at opisyal ng pulis at militar.

Tinatayang 150 hanggang 190 personal na bisita naman ang imbitado ni President Duterte upang saksihan ang kaniyang panunumpa bilang ika-16 na pangulo ng bansa.

Ang inaugurals ang hudyat sa paglilipat ng kapangyarihan ng kasalukuyang pangulo sa hahaliling president-elect.

Hindi naman makakapasok ang private media organizations sa Rizal hall at tanging government radio at tv stations ang makakapag-cover sa event dahil sa maliit na espasyo ng lugar.

Ganun pa man, makakapagmonitor pa rin naman ang mga mamamahayag sa new executive building sa Malakanyang sa pamamagitan din ng Radio TV Malacañang at PTV 4.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: ,