President-elect Duterte, bumisita sa burol ni Bataan Vice-Gov Tet Garcia

by Radyo La Verdad | June 16, 2016 (Thursday) | 7201

PRES-DUTERTE
Nagtungo sa burol ng yumaong Bataan Vice Governor Elect Enrique “Tet” Garcia Jr. si President-elect Rodrigo Duterte kahapon ng hapon.

Mag aala-singko nang hapon ito dumating sa tahanan ni Garcia.

Pagdating ni Duterte ay nagkaroon muna sila ng pribadong pag-uusap kasama ang mga anak at asawa ni Tet Garcia na nagtagal ng halos labing limang minuto.

Pagkatapos nito ay nagtungo na ito sa mga labi ni Garcia kasama ang pamilya upang magbigay galang.

Nagbigay din ng kaunting mensahe sa iba pang kaanak ng pumanaw na bise-gobernador si President Elect Duterte kung saan kasama sa mga binabanggit nito ang ilang plano para sa Pilipinas.

Nagtagal lamang ito ng halos sampung minuto at umalis patungo naman sa meeting nito kasama ang kanyang gabinete sa Maynila.

(Joshua Antonio/UNTV NEWS)

Tags: ,