METRO MANILA – Walang nakikitang potential successor at deserving na humalili sa kaniya sa ngayon si Pang. Rodrigo Duterte.
Ito ay bagaman may nakikita na siyang aspirants at posibleng magpatuloy ng kaniyang legacy.
Ngunit sa kabila nito, wala pa rin syang balak sa ngayon na pagbigyan ang pag uudyok ng mga kasama sa PDP-Laban na tumakbo bilang bise presidente at mamili ng nais na running mate.
Ayon sa pangulo, tumatanggi na siya rito at handa na rin aniya siya sa kaniyang retirement.
Muli naman nitong pinigilan ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagkapa-pangulo.
Kinausap umano niya ito at sinabing isang thankless job ang presidency.
Samantala, pina-ngaralan naman ng presidente ang ka-partido na si Senador Manny Pacquiao kaugnay ng usapin sa West Philippine Sea matapos nitong sabihin noong mayo na nakukulangan siya sa hakbang ng presidente sa pinagtatalunang teritoryo.
Ayon sa pangulo, dapat mag-aral muna ang senador ng foreign policy.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Pres. Duterte