Pres. Marcos Jr. bumiyahe na patungong Brussels, Belgium para dumalo sa ASEAN-EU Summit

by Radyo La Verdad | December 12, 2022 (Monday) | 2244

METRO MANILA – Umalis patungong Brussels, Belgium ang sinasakyang eroplano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pasado alas-8 kagabi (December 11) para dumalo sa Association of Southeast Asian Natuin-European Union (ASEAN-EU) Commemorative Summit mula December 12-14.

Sa kanyang pre-departure speech sa Villamor Airbase, sinabi ng pangulo na pagkakataon ito para maisulong ang economic interest ng Pilipinas.

Itutulak din ng pangulo ang interes ng Pilipinas, partikular ang post-pandemic economic recovery and trade, maritime cooperation at climate action.

Si Pangulong Marcos ang magde-deliver ng closing remarks sa nasabing business summit, bukod sa pagdalo sa ASEAN-EU business summit, mayroon din siyang courtesy call kay King Philippe ng Belgium.

Magkakaroon din ng bilateral talks si Pangulong Marcos sa iba pang heads of state gaya ng Estonia, Czech Republic, Spain, Denmark, Germany, Poland, Finland, the Netherlands at European Union.

Hindi rin mawawala ang pagharap ni PBBM sa Filipino community, kung saan mahigit sa 5,000 OFW’s ang nagtatrabaho sa Belgium.

(Aileen Cerrudo | UNTV News)

Tags: , ,