Pres. Duterte, umaasang hindi magiging mas mapanganib ang UK Covid-19 Variant na nakapasok sa bansa

by Erika Endraca | January 14, 2021 (Thursday) | 5780

METRO MANILA – Nakapasok na sa Pilipinas ang pinanganambahang UK Coronavirus variant o ang B.117.SARS-COV-2-variant.

Hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na sana ay huwag maging mas mapanganib ang strain na ito.

Batay sa mga eksperto, mas nakahahawa ang UK variant kumpara sa naunang virus na nagdudulot ng Covid-19

“May bagong monster na naman. And I pray to god really na sana na hindi ito more dangerous, more toxic than the original covid, ginagawang bakuna laban diyan” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Upang maiwasang makapasok sa Pilipinas at kumalat ang UK at South African Covid Variant, nagpatupad ng travel restrictions ang Pilipinas sa 32 bansa at isang special administrative region.

Nabanggit naman ng Punong Ehekutibo ang mas maigting na hakbang na ginagawa ng Department Of Health kaugnay ng kaso ng UK Covid variant sa bansa.

“Titingnan ng mga experts, mga doctors, they will raise the alarm, sabi nga ni Dr. Duque, ngayong gabi. Pupuntahan nila to make sure para we can take steps to isolate, sequester and maybe treat them na hindi na sana mapasa ng iba.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,