Pres. Duterte, tiwalang hindi uungkatin ni U.S. Pres. Trump ang isyu ng umano’y EJK sa bansa sa kanilang bilateral meeting

by Radyo La Verdad | November 13, 2017 (Monday) | 2621

Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi bubuksan ni U.S. President Donald Trump ang usapin ng umano’y extra judicial killings sa kapanya ng pamahalaan kontra-iligal na droga.

Ayon sa Pangulo, ito ay dahil walang katotohanan ang nasabing isyung ipinupukol sa kaniyang pamamahala. Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa isang press conference sa Asia Pacific Summit sa Vietnam bago tumulak pauwi ng bansa.

Gayunman, sa isang pahayag noong Biyernes, hinikayat ng apat na U.N. special rapporteur ang sampung bansang miyembro ng ASEAN na pag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa karapatang pantao sa rehiyon sa kanilang pagpupulong.

Inaasahang ang pagkakarooon ng bilateral meetings nina Pangulong Duterte at Pres. Trump ngayong araw at nais ng nasabing human rights group na ungkatin ni Pres. Trump ang isyu sa Pangulong ng bansa.

 

Tags: , ,