Pres. Duterte, nangakong maglalaan ng pondo sa mga proyektong pang-imprastraktura

by Radyo La Verdad | May 19, 2017 (Friday) | 2038


Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng bagong bukas na Gov. Miranda Bridge 2 sa Brgy. Bincungan, Tagum City,Davao Del Norte kahapon.

Nagkakahalaga ito ng 757-million-pesos.

Ang 650-meter bridge ay sinimulang itayo noong 2004 upang magsilbing alternate bridge ng Old Gov. Miranda Steel Bridge na unang naitayo noong 1956.

Layon nitong mas maging maayos ang daloy ng trapiko at mas maraming motorista ang makadaan.

Mapapabilis din nito ang pagbabyahe sa mga agricultural product sa lugar.

Sa kanyang talumpati, ipinangako ni Pangulong Duterte na magbubuhos ng trilyong pisong pondo ang pamahalaan para sa mga proyektong pang-imprastraktura sa bansa.

Ayon sa pangulo, malaki ang magagawa kapag maayos ang imprastraktura sa bansa upang mapaunlad ang ekonomiya.

(Janice Ingente)

Tags: ,