Pres. Duterte, binalewala ang reklamo sa kanya sa Int’l Criminal Court

by Radyo La Verdad | April 28, 2017 (Friday) | 1443


Nabigyan na si Pangulong Rdorigo Duterte ng kopya ng reklamong inihain sa International Criminal Court laban sa kaniya.

Ngunit ayon sa pangulo, wala siyang balak na basahin ito.

Sa inihaing reklamo ng abogado ni Edgar Matobato na si Atty. Jude Sabio sa ICC, inakusahan nito si Pangulong Duterte na mas murderer.

Ayon sa kampo ni Matobato, crime against humanity ang anti-drug war ng Administrasyong Duterte dahil sa mataas na bilang ng mga napapaslang.

Si Matobato ang self-confessed hitman at umano’y miyembro ng Davao Death Squad na nagsiwalat sa pagdinig ng senado ng umano’y mga extrajudicial killing sa Davao City sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Duterte na noo’y alkalde pa lang.

Ayon naman sa punong ehekutibo, wala siyang plano na pigilan ang mga ito.

Binatikos naman ng pangulo ang editoryal ng New York Times laban sa kaniya.

Isinasaad sa artikulo na dapat na aniyang pahintuin si Pangulong Duterte dahil sa kaniyang kampanya kontra iligal na droga.

Ayon sa pangulo, kung may dapat mang huminto, yun ay ang publication ng American newspaper.

(Rosalie Coz)

Tags: ,