Pres. Duterte, balik-bansa na matapos ang official visit sa Japan

by Radyo La Verdad | October 28, 2016 (Friday) | 1240

victor_pres-duterte
Balik Pilipinas na kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang tatlong araw na working visit sa Japan.

Ayon sa pangulo, produktibo ang kaniyang naging pagbisita sa Japan kagaya sa aspetong pang ekonomiya.

Tutulong din aniya ang Japan sa pag modernize ng maritime capacity ng Pilipinas.

Magtutulungan din aniya ang dalawang bansa pagtikular sa pagpapanatili ng freedom of navigation at overflight sa West Philippine Sea gayundin ang pagsusulong ng mapayapang paraan sa pagresolba ng territorial dispute sa lugar.

Suportado din aniya ng Japan ang pagsusulong ng peace and development agenda sa Mindanao.

Ayon sa pangulo malinaw sa lahat na isang totoong kaibigan ng Pilipinas ang Japan.

Subalit kasama naman sa pangakong dala ng pangulo sa kaniyang pag-uwi sa bansa ang pag-iwas sa pagbibitaw ng mga maaanghang na pananalita.

Matatandaang madalas na nakapagmumura ang pangulo tuwing napag-uusapan ang issue sa illegal drugs at kapag pinupuna ang isinusulong niyang pinaigting na kampanya kontra dito.

Pero nang tanungin kung magtutuloy tuloy na ba ito, ang tugon ng pangulo.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: ,