Premium contribution rate ng PhilHealth, tataas sa susunod na taon

by Radyo La Verdad | December 6, 2017 (Wednesday) | 2397

Simula sa Enero ng susunod na taon ay magpapatupad ng dagdag-singil sa premium contribution rate ang PhilHealth.

Ayon sa circular no. 2017-0024, mula sa dating 2.5% na contribution rate ay magiging 2.75% na ito.

Ibig sabihin, kung dati ay 250 pesos  ang binabayaran ng isang empleyadong sumusweldo ng 10,000 pesos sa isang buwan, magiging 275 pesos na ito.

Ayon sa PhilHealth, ito ang kanilang unang rate hike sa loob ng tatlong taon.

Ang pagtaas sa premium contribution ay upang magkaroon ng dagdag na benepisyo at mas magandang health packages ang mga PhilHealth members.

Tags: , ,