Preliminary investigation sa money laundering charges laban kina Kim Wong At Maia Deguito, ipinagpaliban

by Radyo La Verdad | April 20, 2016 (Wednesday) | 2645

DOJ
Inilipat ng Department of Justice o DOJ ang petsa ng preliminary investigation para sa kasong kinahaharap ni Kim Wong kaugnay ng 81 million US dollar money laundering scheme.

Ito’y matapos hiniling sa DOJ nitong lunes ng kampo nito na bigyan sila ng palugit sa pagsusumite ng counter affidavit.

Ayon kay Assistant State Prosecutor Gilmari Fe Pacamarra, dahil ditto binigyan nila ng hanggang May 3 si Wong para sumagot sa mga alegasyon laban sa kanya.

Kinasuhan ng Anti Money Laundering Council si Wong dahil sa umano’y paglabag sa sections 4-A at B ng Anti-Money Laundering Act.

Nauna nang sinabi ni Wong na hindi nya alam na laundered ang perang nailipat sa account ng kanyang kumpanya mula sa nairemit na pera sa RCBC Jupiter branch.

Sa Mayo a-tres din nakatakda ang ikalawang preliminary investigation kay dating RCBC Branch Manager Maia Deguito na inaasahang magsusumite rin ng kanyang counter affidavit.

Ayon sa abugado ni Deguito na si Atty. Ferdinand Topacio, nauna na rin silang humiling ng palugit para sa pagsagot sa mga alegasyon sa kanila.

Muli ring iginiit ni Topacio na inosente ang kanyang kliyente at ginagamit lang ito para hindi madawit ang malalaking tao na umano’y sangkot sa scheme.

Sinabi rin nito na handa nilang ilahad sa proper forum ang lahat ng nalalaman ng kanyang kliyente.

Tulad ng ginawa nito sa harap ng mga senador sa executive session.

(Darlene Basingan/UNTV NEWS)

Tags: , , ,