Forfeiture case laban kay Kim Wong, inihain na ng AMLC sa Manila RTC

by Radyo La Verdad | April 20, 2016 (Wednesday) | 9652

ROSALIE_KIM-WONG
Nakapaghain na ang Anti-Money Laundering Council o AMLC ng forfeiture case laban sa assets ng casino junket operator na si Kam Sin Wong sa Manila Regional Trial Court.

Nagsumite na rin ng provisional asset preservation order ang korte noong Lunes upang i-freeze ang salapi ni Wong sa mga bangko habang dinidinig ang kaso.

Kabilang din sa pinapafreeze ang ibinalik na pera sa AMLC para sa safekeeping at mga bank account ni Wong.

Ayon naman kay AMLC Secretariat Executive Director Julia Bacay-Abad, kinakailangan pa ring magsumite ng intervention petition o third party claim ng bangladesh government upang hindi mapunta sa pamahalaan ang mababawing salapi mula sa kasong forfeiture na inihain laban kay Wong.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,