Pre-trial sa kasong plunder ni Sen.Bong Revilla, kanselado ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 4, 2016 (Thursday) | 3528

Bong-Revilla
Hindi natuloy ang pre-trial ngayong araw ni Sen.Bong Revilla sa Sandiganbayan 1st division para sa kasong plunder kaugnay ng PDAF Scam.

Kailangan pa kasi resolbahin ng korte ang mosyon ng kampo ng senador kaugnay sa pagpapasubpoena sa ilang ahensya para sa ilang dokumentong kailangan niya para sa kanyang depensa.

Kabilang sa mga hinihingi ng senador ang forfeiture case records ni Janet Napoles sa Manila Regional Trial Court, travel records ni PDAF Witness Benhur Luy, Commission on Audit report, at stenographic notes mula sa Senate.

Binigyan ng Korte ng tig-limang araw ang kampo ng prosekusyon at depensa para magsumite ng kanilang kumentaryo at reply sa mga hinihinging dokumento ng senador.

Itinakda naman ang dagdag na araw para sa pagmamarka ng ebidenya sa Feb.12, 19 at 26 habang ang pre-trial naman ay sa March 7.

Tags: , ,