Ilang kumpanya ng langis, may dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 28, 2017 (Tuesday) | 5230


Nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Nag-rollback ng kuwarenta sentimos sa presyo ng kada litro ng gasolina ang Shell, Petron at Seaoil.

Tumaas naman ng trenta y singko sentimos ang presyo ng kanilang diesel at 30-centavos naman sa bawat litro ng kerosene.

Samantala kaparehong price adjusment din ang ipinatupad ng PTT Philippines, Unioil, Eastern Petroleum, Total at Jetti Petroleum sa gasolina at diesel ngunit wala naman naging paggalaw sa presyo ng kanilang kerosene.

Tags: , , , , ,