Inanunsyo ng Saudi Arabia ang pagbuo sa 34-nation military coalition na lalaban sa mga militanteng ISIS.
Labing walo sa mga ito ay mula sa Arab countries habang ang labing anim naman ay mula sa Asia at Africa
Ayon kay Saudi Defense Minister Mohammad Bin Salman hindi lamang target ng koalisyon ang ISIS kundi ang lahat ng extremist group sa buong mundo.
Ginarantiyahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang pagbubukas ng Bicol International Airport (BIA) sa darating na Disyembre.
Sa kasalukuyan ay 82.22% na ang overall progress rate ng BIA matapos maantala ng 13 taon. Samantala, target namang matapos sa Hulyo ang konstruksiyon ng nasabing paliparan.
“Tatapusin namin ang Bicol International Airport. Pabaunan niyo kami ng tiwala at dasal. Pursigido kaming matapos ang paliparang ito,” ani DOTr Secretary Arthur Tugade.
Inaasahang mapaglilingkuran nito ang 2-M pasahero kada taon at makapaglilikha ng 1,100 na trabaho sakaling magsimula ang operasyon bago matapos ang taon.
Ang BIA ay itinuturing ding ‘Most Scenic Gateway’ ng bansa na matatagpuan sa Daraga, Albay.
(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)
Tags: DOTr, Saudi Arabia
Bibiyahe na ngayong araw ang mga nakanselang flight ng Philippine Airlines (PAL) patungong Saudi Arabia.
Sakop nito ang mga flight na naapektuhan ng pagsadsad ng Xiamen Aircraft sa 06/24 runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Samantala, bukas naman nakatakdang bumiyahe ang iba pang mga naapektuhang flight ng PAL kabilang na ang mga papunta ng Riyadh at Dammam.
Para sa mga pasahero na nagnanais na makasakay sa naturang flight subalit wala pang natatanggap na notification sa kanilang booking, inaabisuhan ang mga ito na tumawag muna sa PAL hotline number 855-88-88 o makipag-ugnayan sa alinmang PAL ticketing office.
Muling ring binigyang-diin ng PAL na hindi nila ipinapayo na agad na magtungo ang mga pasahero sa airport na walang anomang kumpirmasyon mula sa airlines upang maiwasan ang abala at pakikipagsiksikan sa NAIA Terminal.
Tags: NAIA, PAL, Saudi Arabia
Sa tulong ng impormasyon na ipinadala sa mga otoridad sa Pilipinas, naaresto ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang Egyptian national na si Fehmi Lassqued alyas John Rasheed Lassqued sa kaniyang tinutuluyang Casa Blanca Apartment sa may Adriatico St., Malate, Manila noong Sabado.
Batay sa intelligence report na ibinigay ng foreign counterparts ng PNP at AFP, isang lider ng Islamic State o ISIS ang pumasok sa Pilipinas mula sa Iran noong July 2016 gamit ang pekeng passport.
Bihasa umano ang dayuhan sa paggawa ng bomba kayat itinuturing na malaking banta sa seguridad ng bansa. Nakuha sa suspek ang baril, mga bala at iba’t-ibang gamit sa paggawa ng bomba. Kasama inaresto ng mga otoridad ang girlfriend ni Lassqued na si Anabelle Salipada na tubong Upi, Maguindanao.
Ayon sa hepe ng Metro Manila police na si Police Director Oscar Albayalde, pinapasok ng mga miyembro ng ISIS ang mga bansa na may mga kaguluhan upang makapag-recruit.
Inaalam pa sa ngayon ng mga otoridad kung may narecruit na si Lassqued para sumali sa ISIS terrorist group.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )