PPCRV, humiling sa Comelec na bigyan sila ng data access mula sa central server ng ahensya

by Erika Endraca | May 16, 2019 (Thursday) | 1551

Manila, Philippines – Humiling ang election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Commission on Elections (COMELEC) ng data access mula sa central server ng ahensya para maikumpara nila ang mga resulta na lumalabas sa transparency server.

Ayon kay PPCRV Chairperson Myla Villanueva, gustong tiyakin ng ppcrv na nagtutugma ang mga resulta mula sa transparency server at main server ng comelec.

“Yung central server data ima-match namin sa transparency server data. We want to make sure it’s the same” ani PPCRV Chairperson, Myla Villanueva.

Binigyang diin ulit ng ppcrv ang isa pang hiling nito sa ahensya na bigyan sila ng logs ng kanilang transparency server para matukoy ang dahilan ng pagkaantala sa pagpapalabas ng partial at unofficiall tally of votes sa senatorial at party list elections noong Lunes ng gabi.

“Sa amin sa ppcrv, ‘yung pag-ayos, ‘yung proseso ng pag-ayos, transparent naman ang comelec, walang inaapropriate. Mas importante sa akin as a tech person is makita ‘yung logs kung bakit it happened in the first place.” ani  PPCRV Chairperson, Myla Villanueva.

Nauna nang ipinaliwanag ng comelec na problema sa application ang naging dahilan kaya hindi nakapagpadala ng resulta ang ahensya sa transparency server.

Sa 1  tweet, sumang-ayon si Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa hiling ng poll watchdog na makita ang logs ng transparency server.

Samantala, inihayag ni villanueva na 10% na ang natanggap nilang printed election returns mula sa national capital region at ipa bang kalapit na probinsya.

Nagpasalamat din si Villanueva sa volunteers na patuloy na nagsasagawa ng manual encoding ng election returns sa command center sa Maynila. Inaasahang tatagal ito ng 2 Linggo.

(April Cenedoza | Untv News)

Tags: , ,