Pinawi ng Malakanyang ang pangamba sa posibleng suspensyon ng Writ of Habeas Corpus kasunod ng mga terror threat.
Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, sa ngayon ay walang sapat na dahilan si Pangulong Duterte para gawin ito.
Nalalaman din ng pangulo ang kanyang limitasyon sa paggamit ng presidential powers.
Sinagot naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang mga opposition lawmaker na nagsasabing gagawing dahilan ng pangulo ang kasalukuyang military operations laban sa Maute group at ang bomb scare sa Maynila upang suspindihin ang Writ of Habeas Corpus.
Ayon kay Abella, masyado lamang binibigyan ng mga ito ng kahulugan ang mga pangyayari.
Una nang sinabi ng pangulo na posibleng suspindihin nito ang naturang court order kung magpapatuloy ang State of Lawlessness o kaguluhan partikular na sa Mindanao.
Tags: dahil sa terror threats, Malakanyang, Posibleng suspensyon ng Writ of Habeas Corpus