Itinuturing ng Department of Agriculture na banta sa agrikultura ang posibleng pagiral ng El Niño bago matapos ang 2017.
Ito’y base sa inisyal na impormasyon na napagalaman ng DA mula sa ibang International Meteorological Agency.
Una nang sinabi ng PAGASA na sa Mayo pa nila makukumpirma kung possible ngang magkaroon ng El Niño.
Ayon sa kalihim, kung magkakatotoo ang forecast sa El Niño ay pangunahing maaapektuhan ang produksyon ng mga pananim at pangisdaan.
Naglaan na ang DA ng P165-million para sa small water-impounding systems para may makapagreserba ng tubig ang mga magsasaka.
Kasama sa nasabing halaga ang para sa cloud seeding operation.
Ayon sa NDRRMC, mahigit sa P12.8-billion ang halaga ng pinsala ng El Niño sa mga sakahan sa bansa mula April 2015 hanggang Hulyo 2016.
Ayon sa kalihim, maiiwasan ang gulo dahil sa kakulangan ng pagkain gaya nang nangyari noong April 2016 sa Kidapawan City.
Nasawi aniya noon ang 3 demonstrador dahil sa tama ng bala nang buwagin ng mga pulis ang mga nagpoprotesta.
(Rey Pelayo)
Tags: Department of Agriculture, El Nino