Police official na nahuli sa aktong humihithit ng droga, ipapatanggal sa pwesto ni PNP Chief Ronald Dela Rosa

by Radyo La Verdad | March 30, 2017 (Thursday) | 6499


Galit na galit si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa nang harapin ang nakakulong na si PSupt.Lito Dumandan Cabamongan sa Las Piñas Police Station kanina.

Nahuli si Cabamongan habang nagpa-pot session sa loob ng isang bahay sa barangay talon 4 sa Las Piñas dakong alas singko ng umaga kanina.

Ayon sa isang opisyal ng barangay, may nagsumbong sa kanila na may nag-pa pot session sa kanilang lugar.

Kinumpirma rin ito ni Nedy Acompanado Sabdao na kasamang naaresto ni Cabamongan.

Ngunit ang maybahay ng pulis, hindi kumbinsidong gumagamit ng bawal na gamot ang kanyang mister.

Depensa naman ni Dumandan, naka-undercover siya alinsunod sa utos ng PNP Crime Laboratory.

Pero itinanggi ito ng hepe ng PNP Crime Laboratory.

Sa isang pahayag sinabi ni P/Chief Supt. Aurelio Trampe na wala silang ibinibigay na basbas sa umano’y operasyon ni Dumandan.

Hindi rin aniya nagooperate ang crime laboratory sa mga kaso ng iligal na droga.

Sinabi naman ni Gen. Dela Rosa na imposible ang undercover version ni Dumandan;

Nasa floating status ito mula nang ireklamo dahil sa pagpupumilit na pumasok sa isang movie house nang walang ticket ngayong buwan.

Inatasan na ni gen. Dela rosa ang PNP Internal Affairs Service na bilisan ang imbestigasyon upang agad masampahan ng kaso at matanggal sa puwesto si Cabamongan.

(Joyce Balancio)

Tags: , ,