Police Chief Inspector Jovie Espenido, magbubuo ng isang grupo kontra kriminalidad sa Ozamiz City

by Radyo La Verdad | September 1, 2017 (Friday) | 4484

Nakiusap si Ozamiz City Police Chief Jovie Espenido kay Pangulong Rodrigo Duterte na kung maaari ay bigyan pa siya ng panahon upang manatili sa Ozamiz City. Ito ay upang tapusin ang kanyang kampanya kontra kriminilidad. Ngunit tiniyak naman nito na handa siyang sumunod kung ano man ang magiging direktiba ng Pangulo.

Ayon kay Espenido, nais niyang magbuo ng isang grupo na makakatulong sa mabilis na pagsugpo ng krimen sa syudad. Kaya nanawagan ito sa mga Ozamiznon na makiisa sa pagtatatag ng grupo na tatawing “Alsa Masa”

Ito ay isang Barangay Intelligence Information Network para mabilis na makita o mahuli ang mga kriminal. Hiniling din nito sa lokal na pamahalaan ng Ozamiz na kung maari ay lagyan ng body cam ang mga pulis sa syudad para umano sa transparency ng kanilang mga operasyon.

 

(Weng Fernandez / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,