Lalo pang tumaas ang lamang ni Senador Grace Poe bilang napupusuang presidential candidate sa 2016 elections habang umangat naman si dating DILG Sec. Mar Roxas sa pangalawang pwesto sa pinakabagong Social Weather Stations survey.
Batay sa survey, tumaas sa 47% ang preference rate ni Poe mula sa 42% noong June.
Samantala, tumaas lamang ng 1% ang bilang ng mga respondent na boboto kay Binay mula sa 34% nitong June kung kaya’t naungusan ito ni Roxas.
Bumaba naman sa 16% mula sa dating 20% ang rating ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ang SWS survey ay isinagawa noong ika-2 hanggang ika-5 ng Setyembre, ilang araw ang endorsement ni President Benigno Aquino III kay Roxas. Nang panahong iyon ay hindi pa nagdedeklara ng kandidatura si Poe habang si Duterte naman ay nakapaglabas na ng opisyal na pahayag na hindi ito tatakbo bilang pangulo.
Tags: Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Mar Roxas, Senator Grace Poe, SWS survey, Vice President Jejomar Binay
METRO MANILA – Umabot na sa 13.2 million o 48% Filipinos ang nagsasabing sila ay kabilang sa mahihirap base sa inilabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa 3rd quarter ng 2023.
Mas matataas ito kumpara sa 12.5 million noong Hunyo na katumbas lamang ng 45%.
Samantala, mula sa 33% ay bumaba sa 27% ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing sila ay sakto lamang.
Patuloy namang tinutugunan ng pamahalaan ang sularining ito.
Isang 25 year long term vision ang planong maipatupad ng pamahalaan upang wakasan ang problema sa kahirapan pagsapit ng taong 2040.
Tags: Filipino, SWS survey
METRO MANILA – Nakatanggap ng pinansyal na ayuda mula sa pamahalaan simula nang mag-umpisa ang Covid-19 crisis ang 69% ng mga pamilya sa bansa.
Bahagyang mababa ang porsyentong ito sa 71% noong September 2020 at 72% noong July 2020.
Batay ito sa isinagawang National Social Weather Survey sa 1,500 respondents mula November 21 hanggang 25, 2020.
7% naman ang tumanggap ng pinansyal na tulong mula sa pribadong sektor.
Mas maraming pamilya ang tumanggap ng ayuda sa mga taga-Metro Manila.
Batay sa datos ng SWS, pinakamataas din ang halagang tinanggap ng mga nasa kapitolyo na may average total amount na P11, 172 samantalang 9,300 plus sa balance Luzon, 8,700 plus sa Visayas at sa 6,600 plus sa mga taga-Mindanao.
Sa ulat naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 17.6M low income families ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng first tranche ng Social Amelioration Program (SAP) samantalang 14.1M low income families naman sa second tranche.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Financial Pandemic, SWS survey