Poe, Binay at Roxas, dikit ang nakuhang resulta sa pangalawang SWS survey

by Radyo La Verdad | September 23, 2015 (Wednesday) | 1170

meryll_sws
Sa inilabas na pangalawang resulta ng Social Weather Station (SWS) ay naging dikit ang resulta para kina Poe, Binay at Roxas.

Si Senator Grace Poe ay nanguna pa rin sa survey na may 26%, samantalang si Vice President Jejomar Binay ay bumalik sa pangalawang pwesto na may 24% at si Mar Roxas na may 20%.

Kumuha ang SWS ng 1,200 respondents sa buong panig ng bansa kung saan ang mga ito ay binigyan ng labing dalawang pangalan na pagpipilian para sa pagka-pangulo at labing tatlong pangalan naman para sa pangalawang pangulo.

Kabilang sa pumasok sa survey ay sina Davao Mayor Rodrigo Duterte na pang-apat sa napili ng taumbayan na may 11%. Sinundan ni Senators Bongbong Marcos at Chiz Escudero na may 4%, Mayor Joseph Estrada,3%, Senator Miriam Santiago,2% at former Senator Manny Villar na may 1%.

Sina Senators Alan Cayetano, Loren Legarda at former Senator Panfilo Lacson naman ay nagtamo ng 0.8% sa latest survey sa pangkapangulo.

Sa vice president preference, nananatiling si Poe ang nakakuha ng mataas na rating.

Para sa Kampo ni Poe at Chiz ay kapuwa sila nagpapasalamat sa taumbayan sa maganadang resulta na ito ng SWS, samantalang si Vice President Jejomar Binay naman ay ikinatuwa ang pag-ungos ng kaniyang pangalan sa pangalawang pwesto.(Meryll Lopez/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,