PNPA, ginunita ang unang taon ng pagkamatay ng SAF 44

by Radyo La Verdad | January 25, 2016 (Monday) | 1963

SHERWIN_PNPA
Mga bulaklak at tatlong gun salute ang inialay sa bantayog ng Galant 44 sa Philippine National Police Academy o PNPA sa Silang Cavite sa unang taon ng kanilang pagkasawi sa Mamasapano, Maguindanao.

Kabilang sa mga dumalo sa unang anibersaryo ng pagkasawi ng SAF 44 sina dating SAF Director Getullo Napenas at retired Police Chief Superentendent Tomas Rentoy ang chairman ng PNPA Alumni Association Incorporated.

Ayon kay Rentoy mailap pa rin ang hustisya sa SAF 44, isang taon na ang nakalilipas.

Ngunit naniniwala sila na makakamtan ang hustisya ng pagkamatay ng apatnaput apat na bayani sa susunod na administrasyon.

Umaasa naman ang dating SAF Director na sa pamamagitan ng mga bagong ebidensiya na ipi-presinta ni Senator Enrile ay matutuldukan na ang kaso ng Mamasapano encounter.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , ,