3 kadete na sangkot sa sexual abuse sa PNPA, ipinadidismis na sa akademya

by Radyo La Verdad | December 3, 2018 (Monday) | 10123

Pabor si PNP Chief PDG Oscar Albayalde sa desisyon ng Board of Inquiry na tanggalin na sa akademya ang tatlong kadete na nasangkot sa kaso ng sexual abuse noong Oktubre.

Ayon kay Albayalde, hindi na dapat makabalik sa akademya ang mga ito upang hindi na rin pamarisan ng ibang kadete.

Ayon naman kay PNPA Director PCSupt. Chiquito Malayo, guilty sa kasong grave delinquency at conduct unbecoming of an officer ang isang 2nd class cadet at dalawang 3rd class cadet.

Sinabi pa ni Malayo na mayroong 48 oras ang tatlong kadete para magsumite ng kanilang motion for reconsideration.

 

Tags: , ,