Umaasa ang pambansang pulisya na magtatalaga na ng permanenteng Chief PNP si Pangulong Benigno Aquino III kapag nagretiro na si PNP OIC P/DDG Leonardo Espina sa susunod na buwan.
Lalo na kung magre-retiro na rin ng maaga si resigned PNP Chief P/Dir. Gen. Alan Purisima na isang four-star general.
Gayunman, sinabi ni PNP PIO OIC P/CSupt. Wilfredo Franco, sakaling isagad ni Gen. Alan Purisima ang serbisyo nito hanggang Nobyembre ay acting CPNP ang status kung magtatalaga man ang Pangulo ng papalit kay Espina.
Sa kabila nito, ipinaliwanag ni Franco na kahit na acting capacity lamang ang susunod na PNP Chief, nasa kaniya pa rin ang buong kapangyarihan ng isang permanenteng pinuno.
Ibig sabihin, walang limitasyon ang kapangyarihan sa pag- apruba ng mga budget na kailangan para sa mga proyekto at operasyon.
Tags: Gen. Alan Purisima, PNP OIC P/DDG Leonardo Espina, PNP PIO OIC P/CSupt. Wilfredo Franco