PNP, nag- audit ng mga gamit para sa disaster rescue operations.

by Radyo La Verdad | June 18, 2015 (Thursday) | 4173

disaster rescue operations
Inilatag ng 16 na units ng Philippine National Police sa Camp crame ang kanilang mga equipment para sa disaster rescue operations.

Ang bawat unit ng PNP ay may spine board, life vest, helmet, first aid kit at iba pang gamit base sa kanilang expertise.

Ayon kay PNP PIO OIC P/CSupt. Wilfredo Franco, mahalagang makita ang mga gamit ng bawat unit upang madagdagan kung may kulang pa para sa mas epektibong rescue operations sa panahon ng kalamidad.

Aniya may 420 personnel ang PNP na sinanay sa pagsagip ng buhay base sa kani-kanilang kaalaman sa panahon ng kalamidad.

Tags: