PNP OIC Leonardo Espina, dadalo sa Mamasapano probe ng Kamara bukas

by dennis | April 6, 2015 (Monday) | 1465
File photo

File photo

Kinumpirma ni PNP OIC P/DDG Leonardo Espina na dadalo siya sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara bukas hinggil sa Mamasapano operations.

Ayon kay Espina, kasama nya bukas ang pinuno ng Board of Inquiry na si CIDG Chief P/Dir. Benjamin Magalong.

Sinabi pa nito na handa din umano si Magalong kung iuutos ng mga mambabatas na iprisinta ang report ng BOI.

Nakasaad sa BOI report na binali ni Pangulong Aquino ang chain of command pero may prerogative ito na magbigay ng utos direkta sa mga lower rank official ng PNP na hindi na dadaan sa PNP top officials o sa kalihim ng Department of Interior and Local Government.

Tags: , , , , ,