PNP, nagpatupad ng maliit na adjustment sa inilatag na seguridad para sa APEC Summit matapos ang terror attack sa France

by Radyo La Verdad | November 17, 2015 (Tuesday) | 1636

MARQUEZ
Maliit na adjustments lamang ang ipinatupad ng Philippine National Police sa seguridad sa APEC Summit kasunod ng terror attack sa France.

Ayon kay PNP Chief P/Dir. Gen. Ricardo Marquez, nagdagdag lamang sila ng mga physical barrier sa mga ceremonial route.

Tiwala sila sa seguridad na inilatag nila para sa mga economic leader at mga delegado nito at araw-araw din sila nagsasagawa ng assessment sa mga dapat na iimprove.

Magdagdag sila ng maraming tauhan sa mga lugar sa labas ng APEC areas of engagement tulad ng mga airport, at sa mga posibleng pasyalan ng mga delegado.

At hindi aniya ito maituturing na overkill matapos ang naganap sa France.

Dagdag ng heneral, parte ng kanilang security preparations ang apat na mercedes van na magsisilbing mobile detection system o cbrn equipment na donasyon ng amerika.

Aniya malaking tulong ang mobile van sa detection ng chemical, biological, radiological, at nuclear elements.

Nanawagan din ang pinuno ng pambansang pulisya sa publiko naiwaksi ang takot kasunod ng terror attack sa France at sa halip ay maging mapagmatyag para sa kaligtasan ng lahat.

Malaking tulong aniya sa mga otoridad kung ire-report agad ang anomang mapapansing kahina-hinala, maging ito ay tao o naiwang bagahe upang hindi magtagumpay sakaling may banta sa seguridad ng bansa.

Tags: , , ,