Walang nakikitang mali ang PNP-Internal Affairs Service sa pagsisilbi ng search warrant sa kulungan ng napaslang na mayor ng Albuera, Leyte na si Rolando Espinosa Sr.
Ayon kay IAS Deputy Inspector General PCSupt. Leo Angelo Leuterio, otorisado ito ng korte kaya tanging ang paglabag sa police operational procedure ng mga operatiba ang kanilang binubusisi.
Sa kasalukuyan ay nasa proseso na ang PNP-IAS sa pagtukoy sa bigat ng kasong administratibong isasampa sa mga pulis dahil hawak na nila ang affidavits ng witnesses na kinabibilangan ng jail guards, inmates at mga pulis na nakatalaga kay Espinosa.
Binigyan nila ng sampung araw ang mga sangkot na pulis upang magbigay ng kani kanilang counter affidavits at kung mabibigo silang tumugon ay mapipilitan nang magdesisyon ang PNP-IAS base sa sinumpaang salaysay ng mga saksi.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)
Tags: Baybay Sub-Provincial Jail, isinilbing search warrant ng CIDG Region 8, PNP-IAS