Rekomendasyon ng PNP-IAS kaugnay sa kaso ni PSupt. Nobleza, nakatakdang isumite sa Hunyo

by Radyo La Verdad | May 23, 2017 (Tuesday) | 9545


Nakatakdang isumite sa susunod na buwan ng PNP-Internal Affairs Service kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang rekomendasyon nito kaugnay sa kaso ni Police Superintendent Maria Christina Nobleza.

Si Nobleza ang dating opisyal ng PNP na kasamang naaresto ng karelasyon nitong Abu Sayyaf member na si Reenor Lou Dongon

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Alfegar Triambulo, posibleng kasong grave misconduct o conduct unbecoming of an officer ang isampa laban dito

Nilinaw naman ni Atty. Triambulo na wala sa kanilang hurisdiksyon na patawan ng kaukulang parusa ang isang tauhan ng PNP at tanging rekomendasyon lamang ang kanilang magagawa.

Magugunitang naaresto sina Nobleza at Dongon noong Abril sa isang checkpoint sa lalawigan ng Bohol.

Tags: , ,