PNP Regional Directors na hindi epektibong mag-imbestiga sa mga homicide cases, irerekomendang maalis sa pwesto – PNP IAS

by Radyo La Verdad | October 9, 2017 (Monday) | 7738

Binalaan ng PNP Internal Affairs Service o IAS ang mga regional directors  na nagpapabaya sa imbestigasyon sa mga homicide case sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ng IAS na irerekomenda nito kay PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na sibakin sila sa puwesto.

Bumuo na  ang IAS ng Special Inspection Team na mag-iimbestiga sa mga napapatay sa police operations.

Nilinaw rin ng ias na hindi maaaring tawagin  na extra judicial killing  ang naganap na pagpatay  sa  isang  lehitimong operasyon.

Ayon sa IAS ang terminong ginagamit dito ay homicide under investigation.

 

Tags: , ,