PNP-HPG, nakahandang tumulong sa pilot run sa pagtaas ng kapasidad ng pampublikong sasakyan

by Radyo La Verdad | November 3, 2021 (Wednesday) | 6752

METRO MANILA – Inatasan ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) na tumulong at makipag-ugnayan sa Department of Transportation (DOTr) kaugnay sa 30-day pilot study sa unti unting pagtaas ng kapasidad ng mga pasahero sa pampublikong transportasyon.

Sa isang pahayag nitong Lunes (November 1), sinabi ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar bahagi ng pagtulong ng HPG ay upang masigurado ang minimum public health standards na mahigpit na sinusunod ng mga pasahero sa pampublikong transportasyon.

Ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagtaas ng operational capacity sa public utility vehicles (PUVs) at railways mula sa kasalukuyang 50% hanggang 70% sa Metro Manila at kalapit probinsya sa Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na magsisimula sa ika-apat ng Nobyembre.

Ayon kay Eleazar ang pilot study ay upang matukoy ang pampublikong transportasyon kung maaari ng bumalik sa buong operasyon sa gitna ng pandemya.

Nagpaalala din ang PNP Chief sa mga pasahero na patuloy sundin ang health protocols upang maiwasan ang hawaan ng virus sa public utility vehicles.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)

Tags: ,