PNP Chief Ronald Dela Rosa, nakipagpulong sa Korean police kaugnay ng Jee Ick Joo kidnap-slay case

by Radyo La Verdad | February 14, 2017 (Tuesday) | 1331


Nakipagpulong ngayon araw si Philippine National Police Chief PDG Ronald Dela Rosa sa mga kinatawan ng Korean National Police Agency.

Ayon kay gen. Dela rosa, pinag-usapan nila ang development sa isinasagawang imbestigasyong kaso ng korean businessman na si Jee Ick Joo.

Samantala, kinumpira ni Dela Rosa na nabasa na niya ang sulat na pinadala ng asawa ni Joo na si Choi Kyung-Jin para kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan hinihiling umano nito na ang pnp na lang ang mag-imbestiga sa kaso ng pagdukot at pagpatay sa kanyang mister.

Ngunit kung siya aniya ang tatanungin ay mas maganda kung may ibang ahensya silang kasama sa imbestigasyon.

Una nang pinagutos ni Dela Rosa sa PNP-Internal Affairs Service tapusin ang kasi sa lalong madaling panahon.

Ayon naman kay PNP- IAS Deputy Inspector General Police Director Leo Leuterio, sumailalim na sa free charge investigation sina SPO3 Ricky Sta. Isabel at Superintendent Rafael Dumlao na pawang mga suspeck sa pagpatay sa Korean businessman.

Anya, kung may probable cause upang magkaroon ng summary hearings sa kaso ng dalawang pulis ay aabisuhan ang mga ito.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,