PNP Chief PDG Ricardo Marquez, bumaba na sa pwesto

by Radyo La Verdad | June 29, 2016 (Wednesday) | 2819

MARQUEZ
Bumaba na sa pwesto si Philippine National Police Chief Director General Ricardo Marquez matapos ang 11 buwan bilang pinuno ng pambansang pulisya.

Ayon kay Gen. Marquez, excited na syang magpahinga at magbakasyon kasama ang kanyang pamilya matapos ang kanyang 38 taon sa serbisyo.

Aniya masyado syang napagod sa nakalipas na tatlong taon dahil sa paghahanda sa papal visit, apec at election sa bansa.

Sa pagbaba nya sa pwesto ipinagmalaki nito ang mga accomplishment sa kanyang panunungkulan tulad nang pagbaba ng krimen sa bansa ng 81% at pag aresto sa mga pinaghahanap ng batas.

Nadalaw din aniya nya ang pinakamamalayong police stations na aniyay 20 taon nang hindi nakakakita ng Chief PNP kaya’t natitiyak nyang walang ghost enployee sa PNP.

Hindi rin naman nito nakalimutang magpasalamat sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng pangulo dahil aniyay hindi nya akalain na pipiliin sya upang pamunuan ang pambansang pulisya.

Mula lamang aniya sya sa mahirap at hindi kilalang pamilya na walang maipagmamalaki kundi ang malinis na puso at tapat na paglilingkod.

Tiniyak naman ng heneral na sa June 30 ay maaari nang lipatan ng bagong Chief PNP ang white house na opisyal na tirahan ng pinuno ng pambansang pulisya.

Si Gen. Ricardo Cornejo Marquez ay ang ika-20 pinuno ng pambansang pulisya at miyembro ng Sandigan Class of 1982 ay bumaba sa pwesto dalawang buwan bago ang kanyang retirement date na August 28.

(Lea Ylgan/UNTV Radio)

Tags: ,