PNP Chief Dela Rosa, humingi ng tawad at panalangin sa mga napapatay sa anti-drug campaign

by Radyo La Verdad | December 19, 2016 (Monday) | 1300

lea_dela-rosa
Nasa anim na libo na ang napapatay sa loob ng anim na buwang kampanya ng pamahalaan kontra droga.

Ngunit nilinaw ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na hindi nila ginusto o sinasadya ang mga nangyayaring pagpatay sa suspected drug personalities kaya humihingi siya ng tawad para dito.

Sa katunayan aniya, dalawang libo lang sa mga kasong ito ang nasawi dahil sa lehitimong police operations.

Sa kabila nito, hindi pa rin aniya sila titigil sa kanilang ginagawa hangga’t hindi nalilinis ang bansa sa problema sa droga kaya humingi na rin siya ng pang-unawa sa publiko.

Wala na rin aniya silang magagawa sa 15% ng mga Pilipino na hindi kontento sa kanilang effort kontra droga at tanging 85% lamang ang nakararamdam ng epekto nito.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: ,