PNP Chief Dela Rosa, tiniyak na hindi na muling maiisahan ng mga drug lords

by Radyo La Verdad | March 20, 2018 (Tuesday) | 14805

Muling naglabas ng sama ng loob si PNP Chief Police Director General Ronald Dela Rosa sa pagkaka-dismiss sa drug charges ng ilang drug lords.

Ayon kay Dela Rosa, dismayado siya sa naging desisyon ng panel of prosecutors ng Department of Justice na humawak sa kaso.

Naaawa din aniya siya sa mga pulis na nagbuwis ng buhay para sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga. Tila naman nagbanta pa si Dela Rosa kay Kerwin Espinosa.

Ang kaso ng mga drug lords ay dinismiss ng ilang prosecutors ng DOJ dahil sa anila’y mahinang ebidensiya.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,