PNP bibili ng mga bagong gamit para sa anti terrorism campaign

by Radyo La Verdad | November 26, 2015 (Thursday) | 7248

dilg-sec.-Mel-senen-sarmiento
Inihayag ni DILG Sec. Mel Senen Sarmiento na nagpulong ang security cluster bago ang pagdaraos ng APEC Summit sa bansa.

Bahagi aniya ito ng security preparations matapos ang pag atake sa France.

Ito ay kaugnay ng utos ng pangulo na seryosohin ang anomang banta na namomonitor ang PNP.

Subalit muling iginiit ng pamunuan ng pambansang pulisya na walang ano mang seryosong banta sa seguridad ng bansa.

Gayunman, tiniyak ng kalihim na bibili na rin ng dagdag na bagong anti-terrorism equipment ang PNP tulad ng night vision at ipagagawa na rin ang mga sirang air assets nito.

nananatili naman sa hightened alert status ang buong pwersa ng PNP dahil sa papalapit na holiday season.

Sinabi ni PNP Chief P/Dir. Gen. Ricardo Marquez, kinausap na rin nya ang mga commander ng pulis na gumawa ng hakbang kung paano paiigtingin ang seguridad lalo na at tiyak na dadagsa ang maraming tao sa mga malls at terminal ngayong holiday season.

Hindi rin aniya sila nagkukulang ng koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines at sa mga mall owners at mall security para sa kaligtasan ng publiko sa paparating na holiday season. (Lea Ylagan/UNTV News)

Tags: ,