Plenary debate ukol sa Mamasapano Committee Report, isinusulong ni Sen. Enrile sa Senado

by Radyo La Verdad | October 8, 2015 (Thursday) | 1850

enrile 2

Isinusulong ni Sen. Juan Ponce Enrile na talakayin sa plenaryo ng senado ang report ng committee on public order and dangerous drugs ukol sa Mamasapano incident.

Ayon sa Senador, hindi dapat mauwi sa wala ang kabayanihan ng PNP-SAF troopers na nagbuwis ng buhay sa nangyaring engkwentro sa Mamasapano Maguindanao noong Enero 25.

Dagdag pa ni Enrile, sa pamamagitan ng plenary debate ay maipapakita na walang itinatago ang senado at mapananagot ang responsable sa madugong engkwentro.

Sinabi naman ni Senator Grace Poe, Chairperson ng komite, na sumulat na siya kay Majority Leader Alan Peter Cayetano upang iiskedyul ang plenary debate.

Tags: , , ,