Planong Freedom Voyage sa Kalayaan Island, hindi na kailangan ayon sa Malacañang

by Radyo La Verdad | December 3, 2015 (Thursday) | 4311

EDWIN-LACIERDA
Hindi na kailangan ang plano ng isang grupo ng kabataan na magsagawa ng “Freedom Voyage” sa Kalayaan island upang suporta umano sa usapin ng territorial dispute laban sa China ayon sa Malacanang.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, sapat na ang inihaing petisyon ng mga abugado ng Pilipinas laban sa territorial dispute sa China.

Nauna na rin aniyang ipinahayag ni DFA Secretary Albert Del Rosario na malakas ang posisyon ng Pilipinas sa usapin sa agawan ng teritoryo sa West Philippine sea.

Nailatag na rin aniya ang mga ebidensya at nauna nang naipanalo ng bansa ang usapin sa hurisdiksyon sa arbitral tribunal.

Mas mainam aniya na abangan na lamang ang resulta ng katatapos lamang na pagdinig sa The Hague Permanent courrt of arbitration na inaasahang ilalabas sa susunod na taon.

“Ang sa atin bilang pamahalaan, bilang taumbayan, ang laban talaga ay doon. Abangan natin ‘yung laban doon sa arbitral tribunal kasi nanalo na tayo ‘nung sa isyu ng jurisdiction. Maganda po ang ipinirisentang mga arguments.” pahayag ni Lacierda.

(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,