METRO MANILA – Umaasa pa rin ang transport group na Piston na maaari pang baliktarin o hindi ituloy ng gobyerno ang desisyon nito para sa deadline ng franchise consolidation sa December 31.
Ayon sa National President ng grupo na si Mody Floranda, kapag natuloy ang deadline, nasa 35,000 o higit pa na mga driver at operator ang maaaring mawalan ng hanapbuhay pagsapit ng January 1 ng susunod na taon.
Nasa 55% pa lang din umano ng mga tradisyunal na jeep sa Metro Manila na pumasok sa consolidation.
Ito rin ang dahilan kaya nagbabala sila na maaaring magkaroon ng transport crisis kung tuluyan nang mapapaso ang mga provisional authority ng mga unconsolidated Public Utility Jeepneys (PUJ’s).