METRO MANILA – Magsasagawa ng 3 araw na tigil pasada ang grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) na magsisimula sa Lunes November 20.
Ito ay bilang pagtutol sa pag phase out sa mga traditional jeepney bunsod ng modernization program ng pamahalaan.
Giit ng grupo, ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ay kung paano mapapababa ang presyo ng produktong petrolyo, spare parts at iba pang nagpapahirap sa mga driver.
Paliwanag naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) makakabyahe parin ang mga traditional jeep basta sumailalim ito sa consolidation program at makabuo ng kooperatiba para mabigyan naman sila ng ruta.
Makikipag-ugnayan naman ang LTFRB sa iba pang ahensya ng pamahalaan para matiyak na may masaskyan pa rin ang mga commuter.
Tags: Piston, tigil-pasada