Inaprubahan na kagabi ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) ang one peso provisional fare increase para sa mga pampublikong jeepney.
Magiging epektibo ang pagpapatupad ng dagdag-pasahe sa oras na mailabas opisyal na order mula sa ahensya.
Una nang humiling ng apat na pisong dagdag pasahe ang mga jeepney drivers at operators noong Mayo dahil sa anila ay patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Bagaman hindi natupad ang kanilang hiling na 4-peso increase, wala naman umanong magagawa ang ilang mga jeepney driver kung ito anila ang desisyon ng pamahalaan.
Para naman sa ilang pasahero, hindi na mabigat ang pisong dagdag-pasahe dahil nauunawaan naman umano nila na malaki ang epekto sa mga driver ng pagtaas ng halaga ng krudo.
Pebrero noong nakaraang taon nang huling magkaroon ng pagtaas sa pasahe sa pampublikong jeepney.
( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )
Tags: fare increase, LTFRB, pampublikong jeep