Pinsala sa agrikultura sa bansa ng mga pag-ulan at pagbaha, lumampas na sa P1-B

by Radyo La Verdad | July 27, 2018 (Friday) | 12338

Nag-inspeksyon kahapon si Department of Agriculture Secretary Many Piñol sa tatlong probinsya sa Central Luzon na lubhang naapektuhan ng mga pag-ulan at pagbaha.

Ayon sa kalihim, umabot na sa mahigit 1.2 bilyong piso ang pinsala ng kalamidad sa agrikultura sa buong bansa. Pinakamatinding naapektuhan ang mga probinsya sa Central Luzon kung saan umabot na sa 664 milyong piso ang pinsala.

Samantala, sa Pangasinan umabot na sa P834M ang naging pinsala.

Sa areal survey na isinagawa ng departamento, makikitang lubog pa rin ang ilang palayan at umapaw ang tubig sa mga pangisdaan.

Ayon kay Sec. Piñol, mamimigay na sila ng libreng binhi sa mga magsasaka para makabawi ang mga ito lalo na’t kauumpisa pa lamang magtanim ng karamihan.

Maaari ring makautang sa DA ang mga magsasaka ng hanggang P25K sa ilalim ng plea at sure program ng kagawaran na walang kulateral at babayaran sa loob ng 3 taon.

May matatanggap din na kompensasyon ang mga covered ng insurance lalo sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity gaya ng Bataan.

Samantala ayon sa kalihim, hindi nila inaasahang makababawas ng malaki sa kabuoang produksyon ng palay sa bansa ang epekto ng mga pag-ulan.

 

( Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent )

Tags: , ,