Pagsisimula ng Alternative Learning Program sa 1,700 SHS students, inilundsad sa Central Luzon

by Radyo La Verdad | December 10, 2021 (Friday) | 4535

SAN FERNANDO, PAMPANGA – Sinimulan na ang pilot testing ng Alternative Learning System (ALS) sa 23 public high schools sa Central Luzon kasabay ng pagsimula ng klase noong nakaraang linggo ng Nobyembre. Kabilang dito ang 1,722 senior high school (SHS) student na umattend sa pagbukas ng klase.

Sa isang social post ni Department of Education (DepEd) Regional Director May Eclar noong Martes (December 7) naibangit nito ang paggamit ng blended learning system sa pagsimula ng klase at sisiguraduhin na lahat ng ALS learners ay magkakaroon ng sapat na kagamitan na kakailanganin sa trabaho, entrepreneurship, middle-level skills, at tertiary education.

Layon ng DepEd Order 13 series of 2019 (Policy Guidelines on the Implementation of Enhanced Alternative Learning System 2.0) ang mandated inclusion ng SHS level sa ALS program katumabas ng Grades 11 at 12 na naayon sa formal education system.

Dagdag ni Regional Director Eclar sa kanyang talumpati ang pag papatuloy ng legacy program ng gobyerno na naglalayon na maipagpatuloy ang edukasyon ng bawat Filipino Out-of-school Children in Special Circumstances, Youth, and Adults (OSCYA) sa gitna ng pandemya dulot ng COVID-19.

Ang Republic Act 11510 o ang Alternative Learning System Act of 2020 ay nagbibigay-diin sa mga Accreditation and Equivalency (A&E) Test Elementary level passers na kwalipikado na makapag-enrol ng Junior High School (JHS); A&E Test JHS level passers ay para sa papasok ng Senior High school (SHS) o sa mga selected technical vocational education at training programs sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA); at ang A&E Test SHS level passers na kwalipikadong pumasok sa mataas na antas ng Edukasyon o sa mga Technical Vocational Education at training programs sa pamamgitan ng TESDA.

(Myrveiña Natividad | La Verdad Correspondent)

Tags: