Pinsala ng lindol sa imprastraktura sa Masbate, mahigit P8-M na

by Radyo La Verdad | February 20, 2023 (Monday) | 11867

METRO MANILA – Nakararanas parin ng mga aftershock ang isla ng Masbate mula ng tumama ang magnitude 6 na lindol nitong Huwebes, February 16.

Naglabas na ng Damage Assessment Report ang Office of Civil Defense (OCD) Bicol hinggil sa iniwang pinsala ng pagyanig sa probinsiya

Umabot sa mahigit P8-M ang halaga ng mga nasira ng lindol sa imprastraktura tulad ng mga barangay hall, health center at barangay chapel sa bayan ng Dimasalang.

58 school building din ang nagkaroon ng sira sa mga bayan ng Uson, Batuan, Baleno, Dimasalang, Mobo Momreal Palanas, San Fernando at San Jacinto sa Isla ng Ticao.

148 bahay ang totally at partially damaged sa 7 munisipalidad pero isasailalim pa sa validation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nagkaroon din ng non infrastracture damage sa school kagaya ng 16 computer sets, 10 furnitures at 130  educational materials

Tinatayang P3-M rin ang nasira sa provincial road sa Canvanes road sa bayan ng Batuan na siyang naging epicenter ng lindol.

96 na pamilya katumbas ng 440 indibidwal sa 22 barangay ang naapektuhan.

Sinuspinde naman ng pamahalaang panlalawigan ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan.

Mahigit P180,000 ang ayuda na naipamahagi ng DSWD sa mga apektadong residente.

154 na family food packs naman ang ipinagkaloob sa mag mamamayan ng Palanas Batuan at San Fernando.

Maging ang Department of Health (DOH) Bicol ay nag-abot din ng P100,000 halaga ng assorted na gamot, hygiene kit, cot beds sa probinsiya ng Masbate.

(Gerry Galicia | UNTV News)

Tags: ,