Pinsala ng el niño sa agrikultura, umabot na sa P3.2B

by Radyo La Verdad | October 12, 2015 (Monday) | 1686

REY_PINSALA
Nangangamba ngayon ang Department of Agriculture sa magiging impact ng el niño sa agrikultura sa bansa lalo na pagsapit ng tag-araw.

Ayon sa Department of Agriculture, mula nang umiral ang el niño noong nakaraang taon, umabot na sa P3.2B ang pinsala sa agrikultura.

Mahigit sa 2 bilyon dito ay pananim na mais at ang may pinakamalaking pinsala ay sa Region 12.

Ayon kay Sec. Proceso Alcala, ang huling crop ng mais ang tinamaan matapos na maengganyo ang mga magsasaka na muling magtanim dahil sa magandang ani.

Ang inaalala lamang ng kagawaran ay ang haba ng magiging epekto ng el niño.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng cloud seeding ang d-a at nagpapagawa ng shalow deepwells.

Hinihikayat ang mga magsasaka na gumamit ng highbreed rice na mas kaunting tubig ang kailangan at lamang ng ani ng 25-30%.

Sa mas malalayong taniman ay mas aplikable din ang pagtatanim ng munggo at iba pang crop.

Nakaabang narin ang 750 thousand metric tons ng bigas na aangkatin ng NFA upang matiyak na mayroon tayong sapat na reserba hanggang sa unang bahagi ng 2016.(Rey Pelayo/UNTV Correspondent)

Tags: ,