Pinsala ng el niño sa agrikultura sa bansa, umabot na sa halos P4B

by Radyo La Verdad | February 22, 2016 (Monday) | 2480
File photo
File photo

Umakyat na sa halos apat na bilyong piso ang halaga ng pinsala ng el niño phenomenon sa agrikultura sa bansa, kabilang na dito ang 3.4 billion pesos na production loss mula ng maramdaman ang weak el niño noong 2014

Ngunit ayon sa Department of Agriculture o DA mas maliit pa rin ang pinsalang ito kumpara sa el niño noong 1997-1998 kung saan halos pitong daang libong ektarya ng palayan ang naapektuhan samantalang sa ngayon ay halos dalawandaan pa lamang

Mas maliit din ang tinatayang magiging production loss sa unang bahagi ng 2016

Ito ay dahil nakapaghanda naman ang pamahalaan at nakapagimbak ng tubig ang mga pangunahing dam lalo sa luzon nang dumaan sa bansa ang bagyong Nona at Lando noong nakaraang taon.

(UNTV News)

Tags: ,