Pinsala ng 6.7 magnitude na lindol sa imprastraktura sa Surigao del Norte, umabot na sa mahigit P700M na

by Radyo La Verdad | February 21, 2017 (Tuesday) | 3648


Umakyat na sa mahigit pitungdaang bilyong piso ang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa Surigao del Norte ng magnitude 6.7 na lindol noong February 10.

Kabilang na dito ang pinsala sa mga kalsada, tulay, bahay, hospital facilities at school buildings.

Nananatiling namang kanselado ang byahe ng eroplano papasok at palabas sa Surigao City Airport dahil sa pinsala ng lindol sa runway ng paliparan.

Samantala ayon sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, mahigit labing-anim na milyong pisong halaga ng ayuda ang naipamahagi na ng pamahalaan at non-government organizations sa mga biktima ng kalamidad sa probinsya.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pamimigay ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ng family food packs at non-food items sa mga apektadong residente.

Tags: , , , , ,